top

Four Pillars

1Competence
2Conscience
3Compassionate
 Commitment to
 Change
4Christ-Centeredness
 





Faith-inspired,
Integral,
Interactive and Adaptive
Humanistic,
Values-based

Palatuntunan para sa Wika matagumpay na idinaos
User Rating: / 0
PoorBest 

Ni Betriz Anne Betito; Kuhang larawan ni Olivan

Buwan ng WikaNabigyan ng pagkakataon na maipamalas ang pagpapahalaga at pagmamahal sa sariling wika sa pagtatapos na palatuntunan ng Kagawaran ng Filipino noong Agosto 26, 2011 na tinampukan ng mga sayaw, panitikan at paggawad at pagkilala sa mga piling mag-aaral.


Ang tema ng taunang Buwan ng Wika ngayon ay “Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas.”

 


Ang mga mag-aaral ay nabigyan ng pagkakataon na maipamalas ang galing nila sa paglahok sa iba’t-ibang patimpalak tulad ng pagsulat ng tula at sanaysay, T-shirt Painting, Poster making at iba pa na inilunsad ng Kagawaran ng Filipino.

 

 

Nagkaroon din ng Seminar-Worksyap sa Pagsulat ng Tula at Pag-uugnay ng Panitikan at Teatro para sa mga mag-aaral noong ika-20 ng Agosto sa Pamantasan ng Ateneo De Naga Hayskul na dinaluhan ng isang tanyag na manunulat na si Kristian Sendon Cordero at dalawa sa mga kinikilalang nating guro sa Filipino na sina Ginoong Cris Aian Cabal at Ginang Vilma Canete na naging mga tagapagsalita sa Seminar-Worksyap.


At noong ika-26 ng Agosto ipinagdiwang ang pagtatapos ng Buwan ng Wika sa paggawad ng mga parangal sa mga nagwaging estudyante sa iba’t-ibang patimpalak at nagpamalas din ng iba’t-ibang mga talento ang mga piling mag-aaral.


Sa unang pagkakataon, ipinamalas ng mga magiliw na guro ang pakikiisa sa pagdiriwang sa pagsusuot ng katutubo at Pilipinong kasuotan.


At sa pagtatapos ng Buwan ng Wika, naisa-isip at naisa-puso ng bawat mag-aaral sa Ateneo Hayskul ang kahalagahan ng ating Wikang Pambansa bilang Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas.

 

1 2

3 4

 
blue_knight.jpg

Online Visitors

We have 2 guests online

 

 

 

 

 


bottom