Academic Programs
Browser Wars
Latest News
- 13th PISTAYM ends; Group 8 hailed as Overall Champion
- Tabang Sendong offered in New Year Mass
- HS uses new order of the mass
- AdNU High responds to GC35 Environmental Stewardship
- PTA spearheads big Family Day
- Ateneo hailed champ in UP AcadFest
- Flowery Living Rosary caps October Devotion
- Sta. Ana wins National Letter Writing top prize
- AdNU High gives to Pedring, Quiel victims
- Golden Knight officers presented
Four Pillars
| |||||||||||||||
Web Links
Faith-inspired,
Integral,
Interactive and Adaptive
Humanistic,
Values-based
| Filipino Course Program |
|
Ang Filipino, bilang asignatura sa Ateneo de Naga ay may tungkuling matulungan ang mga mag-aaral na mahubog ang kanilang ganap na pagkatao sa aspetong moral, ispiritwal, intelektuwal at sosyal. Gabayan sila sa kanilang pagsisikap na makamit ang ibayong kahusayan bilang paghahanda sa kinabukasan. Nangangahulugan ito ng paglinang sa kakayahang pangkomunikasyon upang magamit sa pagpapahayag ng saloobin at kaisipan; pagkilala sa sarili, tungkulin sa pamilya, sa kapwa at sa bansa lalung-lalo na sa rehiyong Bikol sa tulong ng mga makabagong estratehiya sa pagtuturo gamit ang teknolohiya at multi-media; at higit sa lahat, pagsasabuhay sa mga pagpapahalagang pangkatauhang dulot ng iba't ibang makabuluhang paksang tinalakay tinalakay at katuruan ng ebanghelyo.
First Year SINING NG KOMUNIKASYON SA FILIPINO I
Ang kursong ito ay naglalayong malinang ang mga batayang kakayahang pangwika tungo sa pagtamo ng kasanayang komunikatibo. Kaugnay nito, bibigyan ng ibayong pansin ang pagpapaunlad sa apat (4) na kasanayang makro tulad ng pagsasalita, pagsulat, pagbasa, at pakikinig. Gagamiting lunsaran ang mga piling akdang pampanitikan sa paghubog ng malikhain at mapanuring pag-iisip na magsisilbing landas sa pagbubukas sa higit na pagkilala sa sariling kakayahan. Higit sa lahat sa pagpapahalaga sa damdaming makadiyos at makabayan. Layunin ng Kurso Pagkatapos ng takdang panahon ng kursong ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Second Year SINING NG KOMUNIKASYON SA FILIPINO II May dalawang uri ng balangkas ng Syllabus-Lesson Plan ang asignaturang ito. Ang para sa natatanging pangkat (honors program) at pangkalahatang pangkat(semi-honors program). Nilalayon ng kursong ito na maragdagan at malinang ang kasanayang pangkomunikasyong natutunan sa unang taon tungo sa ibayong pagpapaunlad ng mga pangwikang kasanayan sa ikalawang taon: pasalita, pagbasa, pakikinig at pagsulat. Kaugnay nito, nilalayon din ang pangkalahatang paglinang ng malikhain at kritikal na pag-iisip para sa pagbubukas sa higit na pagkilala sa sariling kakayahan sa tulong ng mga akdang pampanitikan na nagpapaibayo ng kamalayang makabayan at maka-Diyos sa kontemporaryong panahon. Layunin ng Kurso Sa pagtatapos ng kurso, ang mga mag-aaral ay:
Third Year SINING NG KOMUNIKASYON SA FILIPINO III Sa Filipino 3, may dalawang hati uri rin ang syllabus-lesson plan. Ang para sa natatanging pangkat(honors program) at pangkalahatang pangkat (semi-honors program). Dito masasanay ang bawat mag-aaral sa pangkabatiran, pagsisiyasat at pandamdaming mga gawain na magpapahalaga sa bawat mithiin at kawilihan na lalong magpapalago sa mga kaalamang natutunan mula sa Unang Taon sa Hayskul at maihanda sila sa mga aralin sa Ikaapat na taon. Layunin ng Kurso Pagkatapos ng kurso,inaasahang
Fourth Year SINING NG KOMUNIKASYON SA FILIPINO IV Ang kursong ito ay nagtataglay ng dalawang uri ng balangkas na naaayon para sa natatanging pangkat (honors program) at pangklahatang pangkat ( semi- honors program) na magbibigay sa mga mag-aaral upang maging bihasa sa mga kasanayang makro ( pagbasa, pagsulat, pagsasalita at pakikinig) na magagamit nila tungo sa higit na mabisa o epektibong pagpapahayag sa wikang Filipino. Nagtataglay ito ng mga aralin at pagsasanay sa wika at panitikan na magsisilbing daan sa mga mag-aaral upang malinang ang kakayahan sa mapanuri at malikhaing pag-iisip at matalinong pangangatwiran para aktibong makibahagi sa mga gawain tungo sa produktibong pagkatuto. Bahagi pa rin ng kursong ito ang higit na malinang ang mga kasanayan sa pag-unawa, pagpapakahulugan, pagsusuri at pagbibigay halaga sa paglinang sa mga kaisipan sa paksang binabasa at tinatalakay. Binibigyang- diin sa pag-aaral na ito ang pagkilala at pananalig sa Poong Maykapal. Ihihahanda ang mga mag-aaral para sa pagpasok nila sa susunod na antas ng pag-aaral.
Layunin ng Kurso Wika
Panitikan
|
Notice Board
SCHOLARSHIP & ENTRANCE EXAM SCHEDULE January 21, 2012 (Saturday)
Other Entrance Exam Schedules Ateneo High School Guidance Office, 8:00 AM to 11:00 AM • February 4, 11, 18 |

Online Visitors
We have 13 guests online



