Four Pillars

1Competence
2Conscience
3Compassionate
 Commitment to
 Change
4Christ-Centeredness
 





Faith-inspired,
Integral,
Interactive and Adaptive
Humanistic,
Values-based

Palatuntunan sa Buwan ng Wika idinaos
User Rating: / 0
PoorBest 
By Dwight Garvy Tan, B&G Staff; Photos by Maiko Francisco Rugeria, B&G Staff   
Friday, 04 September 2009 17:55
Buwan ng WikaPara tapusin ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang "Wikang Filipino: Mula Baler Hanggang Buong Pilipinas," idinaos ng Kagawaran ng Filipino ang kulmineyting aktibi nito noong Setyembre 1, 2009 sa Covered Courts ng Ateneo de Naga simula 3:00 hanggang 4:00 ng hapon.

Nagsimula ang programa sa isang panalanging-sayaw ng piling mag-aaral sa ikalawa at unang taon na sinundan ng isang tableau ng piling estudyante ng unang taon sa pag-awit ng Lupang Hinirang.
 
Pormal namang nagbukas ang aktibiti ng nagbigay ng talumpating pambungad si Ginoong Claro A. Chavez, pinuno ng Kagawaran ng Filipino ng Ateneo Hayskul. Sa kanyang talumpati sa komunidad ng Ateneo, pinukaw niya ang pagpapahalaga sa Wikang Filipino at sa pagtataguyod nito na sinimulan ng dating Pangulong Manuel Quezon. Ayon kay G. Chavez, "ang wika ay di lamang hanguan ng pagkakakilanlan subalit larawan din ng pagkakaisa."  
 
Napuno ang palatuntunan ng mga pagtatanghal mula sa mga mag-aaral at guro ng paaralan: kabilang na ang pag-awit nina Ginoong Mark Avila, duet nina Bb. Sharon Lara at Alyssa Sayson at ang pagsayaw sa mga maindayog na makabagong tugtugin sa wikang Filipino ng piling mag-aaral ng ikaapat na taon.  
 
Ginawad rin ang mga gantimpala sa iba't ibang patimpalak na idinaos sa buwan ng Agosto, tulad ng pagsulat ng sanaysay at paggawa ng tula. Ang pagdiwang ng Buwan Ng Wika tuwing buwan ng Agosto ay isang tradisyon hindi lamang sa Ateneo de Naga kundi sa buong Pilipinas. Nakagawian na rin ng Kagawaran ng Filipino na mamuno sa pagtatanghal upang mabigyang halaga ang wikang pambansa. 
 
1 2
3 4
 
blue_knight.jpg

Online Visitors

We have 7 guests online

 

 

 

 

 


bottom