|
Non multa sed multum. Not many but much.
|
|
TEMA: “Ang Filipino ay Wikang Panlahat Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas” |
|
Friday, 26 August 2011 00:00 |
|
Ni Olive Grace Serrano-Victoria
Paano nga ba mapagsasama ang wikang Filipino at ang pagtahak sa tuwid na landas? Kayo alam nyo ba?
Ang wika ay isang paraan para bawat Pilipino ay magkaunawaan saang lupalop man ng bansa mapunta. Wika na minana pa natin sa ating mga ninuno na patuloy nating pinayayabong, minamahal at inaalagaan. Maraming paraan para wika’y magamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan at pagpapahayag ng damdamin o saloobin.
Noon pa ma’y alam na ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkakarooon ng sariling wikang pambansa. Wikang magsisilbing tanikala upang tayo ay magkaisa. Kung inyong naaalala, maging ang ating mga bayani ay ginamit ang wikang Filipino para maiparating sa ating kapwa Pilipino ang nangyayari sa lipunang kanilang ginagalawan at maiparating din sa mga mananakop ang mga mithiin/adhikain nila para sa bansang Pilipinas. Wika na nagsilbing sandata at kalasag nila upang kasarinlan ay makamit ng inang bayan. Sa pamamagitan ng kanilang mga isinulat na akda ay napukaw ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino na siyang naging lakas at ilaw nila para ipaglaban ang kanilang karapatan at kalayaan sa kamay ng mga dayuhan.
Maraming mga akda ang mababasa sa kasalukuyan na tunay na makikita ang pagpapahalaga sa ating wikang Filipino lalo pa’t ito’y binibigyang halaga rin ng kasalukuyang pangulo ng Pilipinas na si Pangulong Noynoy Aquino na nanumpa sa kanyang katungkulan bilang bagong halal na pangulo ng bansang Pilipinas gamit ang wikang Filipino, maging ang mga ibinahagi niyang mga taunang pag-uulat hinggil sa kanyang panunungkulan na tunay na naunawaan ng mas nakararaming Pilipino na isang senyales na rin na ang ating wika ay tunay na nagagamit at nagkakaroon na ng puwang sa puso ng bawat Pilipino at maging sa mga dayuhan. Kaya’t hindi na tatanungin pa kung sino ba tayo kapag ginagamit ang wikang Filipino sapagkat meron na tayong isa sa pinakamahalagang pagkakakilanlan at ito ay ang sariling wikang minamahal.
Ngayon isa ang wika sa nagsisilbing tanikala, ilaw at lakas para tahakin ang tuwid na landas. Wikang Filipino na ginagamit para mamulat tayo sa katotohanan hinggil sa nangyayari sa ating paligid, sa ating lipunan. Tanikala upang tayo ay magkaisa saan man tayo nakatira, ilaw upang tanglawan ang mga Pilipinong nasasadlak sa kadiliman, nabubulag sa katotohanan, at nagugumon sa kapangyarihan, at lakas upang maitama ang mali at mapili ang nararapat, marinig ang boses ng karamihan at masambit ang katotohanan para tuwid na landas ay mahanap.
Marami tayong magagawa upang ang tuwid na landas ay makita: magsulat, magsalita at kumilos. Kahit palubog na ang araw ng pag-asa naririyan pa rin ang pagngiti ng umaga na nagsasabing hindi pa huli ang lahat sapagkat hangga’t may mga taong naniniwala na makikita ang tuwid na landas sisilay at sisilay pa rin ang sinag ng pag-asa at makikita ang katotohanan. Subalit isang paalala mawawalan ng kabuluhan ang mga ito kung hindi natin sisimulan sa ating sarili at tayo’y manumpa na hanapin ang tuwid na landas gamit ang wikang Filipino dahil ika nga sa isang taong may salita ang salita ay isang panunumpa sapagkat ang taong walang paggalang sa salita, walang halaga sa panunumpa.
Isang tula ang iiwan ko sa inyo at inyong pagbulay-bulayan ang kaugnayan nito sa tuwid na landas na ating nais tahakin.
TAGAGISING
Pag-araw ay nasilip
Titindig yaring manok
Dadagukan ang dibdib
Saka lang titilaok!
Aba at may sumasabay
Dumadagok, Sumisigaw!
Hindi lahat pala’y himbing
Kayrami nang gayo’y
GISING!
-Fr. Albert E. Alejo S.J.
|
|
|
Written by Fr. Joel Tabora SJ
|
Ateneo de Naga High School Graduation 2011: Valediction
Usually the High School Principal proposes the name of a guest speaker for a graduation like this for my approval. This time, however, tradition was set aside. Mr. Abonal simply declared that after the eloquent valedictory address of Mr. Art Angelo Cerio, I would have to deliver my “valediction” as outgoing President. I could have refused. But I guess I really didn’t want to. For what other President has had the opportunity of addressing such an august gathering as this?
I consider it a privilege to address you graduates, your parents, relatives and friends, along with the administrators, faculty and staff here present of the Ateneo de Naga University.
In the twelve years that I have been here, there have been many changes in the university. We have become autonomous. We have attained institutional accreditation. But nowhere was the change more dramatic than in the high school.
Now that the high school is built and the regular co-educational classes are ongoing – taken for granted – we can look back and smile.
|
|
St. Joseph, Patron of Your Graduation |
|
Written by Fr. Joel Tabora SJ
|
High School Baccalaureate Mass Ateneo de Naga University Feast of St. Joseph, March 19, 2011
It is a very happy coincidence, is it not, that this day falls on the Feast of St. Joseph. I hope that means that in recalling the joy of your finally “passing through the pillars” on the day of your high-school graduation, you also recall that you graduated on March 19, the Feast of St. Joseph. It is a special grace. It is as if St. Joseph has volunteered himself as your special graduation Patron, so that in life you might call on him as you special guardian and friend.
The Gospel for today re-counts the story of Joseph well, and brings out the relevance of his life experience for us. Joseph was a carpenter. He was a skilled craftsman, worked successfully with his hands, worked enough to make a modest living not only for himself but also for his future family. Joseph was also a Jew; he worshipped one and only one God, and lived according to the Scripture, the Torah. In the days after the Babylonian Exile, he lived in expectation of the coming Messiah. He belonged to the royal House of David, from whom, it was said, the Messiah would come!
|
|
Valedictory Address 2010-2011 |
|
Written by Art Cerio
|
|
Reverend Father Joel Tabora of the Society of Jesus, our university President, Mr. Gregorio Re Abonal, our Principal, dearest Jesuits, members of the administration, faculty and staff, our ever loving parents, guests, fellow graduates, friends, ladies and gentlemen, good afternoon!
Speaking to you today is an enormous task for I do not speak only for myself, but for my batch mates as well. And while goodbye is inevitable how do I say it for all of us without missing out on any of the emotions we are feeling at this moment?
|
|
|
|
|
|
|
Page 1 of 4 |